Ang Higanti ng Agila XII: Ang Rebelasyon part 1

Mukhang ang pagkamatay ni Tata Berting ang nagbigay ng kakaibang determinasyon kay Alex na tapusin na ang lahat bago pa mailibing ang kaibigan. Sino kaya ang tinutukoy ng mga Foreigner na iyon. Mukhang magkukulay Dugo ang Dagat.

..

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events, and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental

PS: All characters are above 18 years old.

==========

Kinabukasan

“ Asan si Tata Berting?” ang unang tanong ko agad ng magising ako. Alam ko na si Andrea ang nakahawak sa aking mga kamay ng mga oras na iyon.

“ Alex….. Listen to me……….. Inayos na namin ang lahat…. “ ang sagot ni Andrea sa akin. Napatitig na lamang ako sa kanya ng masama. Di ko alam kung bakit pero nakakaramdam ako ng guilt sa puso ko ngayon.

“ Anong inayos? Sinabi niyo ba sa pamilya niya ang totoo? Kung bakit namatay ang mahal nila sa buhay? Tell me!!!!!!!!” ang malakas na sigaw ko kay Andrea na parang isang leon lang ako ngayon.

“ Alex calm down…..Sinabi namin sa kanila ang sa tingin namin ay tama” ang malumanay na sagot ni Andrea sa akin ngayon. Lalo akong nainis sa sagot niya dahil alam ko kung ano ang ibig sabihin nito.

“ So di niyo sinabi sa kanila ang totoo….” ang sabi ko naman kanya sabay tayo ko. At mabilis na humakbang papunta sa pintuan ng kwarto pero nakaharang na agad doon si Kuya Cesar.

“ Kuya…. Umalis ka diyan kung ayaw mong magkasolian tayo ng kandila” ang matapang na usal ko kay Kuya Cesar. Kita ko sa mata ng aking kaibigan na hindi ako nito bibiruin.

“ Alex……. Makinig ka sa amin… kailangan mo muna magpahinga… un din ang utos ni Donya Patricia” ang sabi naman ni Kuya Cesar sa akin habang nakaharang ito s...

REPORT ABUSE

What's Your Reaction?

Due to the nature of this site, you must be logged in to react.

like

dislike

love

funny

angry

sad

wow